Ka Onyot.

Sa likod ng bawat ngiti ay paghihirap at pakikibaka. Patuloy na paglalakbay kahit sa panahong puno ng pagsubok at marahas. Nangangarap na hindi malalanta, ang mapangahas na pagibig at hangad na paglaya.



Gustong matutu at pagpupugay sa bagong Blog!

Maraming mga komplikado nasa aking damdamin na gusto kong i blog o isulat, subalit hindi ko kayang mailagay sa personal blog ko dahil sa rason na baka masira ang buong kataohan ko at ang pangalan at imahe ng pamilya ko. Ayokong mahusgahan ang aking buong pagkatao at pamilya namin dahil lang sa nagawa kung kasalanan, paano naman ang mga nagawa kung kabutihan?

Tanggap ko meron akong mga pagkukulang at mga maling desisyon sa buhay ko peru naniniwala ako na hindi sapat ang aking pagkakamali upang ako ay tuluyang sumuko at hatulan ng dikanais-nais. Galing sa kalaliman ng aking puso, hangad ko ay ituwid at ayusin lahat ng aking pagkakamali hangga’t nabubuhay pa ako. Alam ko may nasaktan ako, eto ay habang buhay kong pinagsisihan. Ang pagsisi nga ay nasa huli, kung maibabalik ko lang ang nakaraan.

Etong blog ay magsisilbing tunay at konkreto na pagkriteko sa aking sarili at pagpugay sa prinsipyo bilang isang malayang rebolusyonaryo. Hangad ko ay katutuhanan at pakikibaka para sa totoong hustisya. Tanggap ko mga kamalian ko at alam ko aking mga responsibilidad upang maituwid para lamang sa interes ng katotohanan at hustisya.

Sa lahat ng eto, ako ay handa na haharapin at pananagutan lahat. Ang hingi ko lang ay bigyan ng panahon na para unti-unti kong maituwid at mabayaran lahat.


No Comments so far
Leave a comment

TrackBack URI

Leave a comment
Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

(required)

(required)